VIDEO: Rottweiler, sumabit ang leash sa elevator, muntik nang mamatay!
Dog leash, na-stuck sa elevator; muntikan nang maipit sa pinto ang Rottweiler!
Ang pagkasabit ng isang dog leash sa elevator, muntik na niyang ikamatay.
Isang labinlimang segundong life-and-death na struggle, ang nakabali ng dalawang daliri ng nasindak na dog owner na ito, na nakita ang kanyang 110-pound na Rottweiler, na muntikan nang mamatay, matapos sumabit ang kanyang leash sa elevator!
March 2. Ang footage na ito ay nakunan ng security camera sa condo elevator ni Tamara Seibert.
Si Tamara, ang kanyang rottweiler, at pitbull ng kanyang kaibigan, ay papunta sa basement mula sa 11th floor, nang nagsara sa leash ni Vado ang elevator.
Pagbaba ng elevator, si Vado ay nahila mula sa sahig at nahatak papunta sa bubong ng elevator!
Pilit na niligtas ni Tamara ang kanyang aso. Halos nasira na niya ang emergency button, na nagpatunog lang ng isang alarm. Nabali ang dalawa niyang daliri habang sinusubukan niyang iligtas si Vado.
Buti na lang, at naputol ang leash...at naligtas si Vado. Okay na siya.
Matapos pakalmahin ang kanyang sarili, ay tiningnan ni Tamara ang pinsala sa kanyang katawan. Namulot pa raw siya ng basura mula sa sahig, dahil parang wala siya sa kanyang sarili.
In-upload ni Tamara ang video sa kanyang YouTube channel, bilang warning sa mga pet owners. Mag-ingat po sa mga elevator!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH