Is" />

Is"/>

Lalaking may "Triple H disease," muntik nang mamatay dahil sa pagkain ng hotpot!

2015-04-14 26

Lalaking may "Triple H disease," muntik nang mamatay dahil sa pagkain ng hotpot!


Isang clinically obese na lalaki, lumamon at muntik nang mamatay!

Isang Taiwanese na lalaki ang muntikan nang mawalan ng buhay, matapos siyang walag patid na kumain ng hotpot, nang anim na araw itong Lunar New Year holiday.

Ang lalaki na si Wu ay may "Triple H disease." Ito ang Hypertension, Hyperlipidernia, at Hyperglycemia. Itong nakaraang holiday, naparami ang kanyang pagkain ng nakakatabang pagkain -- at pagkatapos ng pang-pito niyang pagkain ng hotpot sa loob ng isang linggo, siya ay inatake sa puso.

Tumigil ang pagtibok ng puso ni Wu sa ospital, at agad siyang inoperahan ng mga doktor. Salamat sa CPR na binigay sa kanya ng isang nurse, habang siya ay sinugod sa OR, ay naligtas ang buhay ni Wu!

Noong Lunar New Year, kasama ni Wu ang kanyang pamilya sa Taichung, at ang kinain lang niya ay hotpot at iba pang nakakatabang pagkain. Noong ika-anim na araw, nakaranas siya ng sakit sa puso, at sinugod siya sa ospital. Na-flatline pa siya, matapos siyang kabitan ng EKG machine.

Matapos siyang ma-diagnoze ng myocardial infarction, nagdesisyong magsagawa ng cardiac catheterization ang doktor. Habang si Wu ay sinusugod sa operating room, minasahe ng nurse ang kanyang puso, na pinagpatuloy ng doktor habang inooperahan ang pasyente.

Kung hindi nila minasahe ang puso ni Wu, mawawalan ng oxygen ang kanyang utak, at pagkalipas ng tatlong minute ay mamamatay na ang utak ni Wu.



Ayon sa doktor, napasok sila ng lobo sa loob ng isang blood vessel ni Wu, habang patuloy na minamasahe ang kanyang puso. Buti nalang at nagawa nila ito, dahil yumuyugyog daw ang buong dibdib ni Wu!

Ang nurse na nag-perform ng CPR kay Wu ay sinabing ito ang kanyang kauna-unahang beses na magbigay ng CPR sa pasyente; bago nito ay napanood lang niyang gawin ito ng ibang tao. Nahirapan daw siya dahil gumagalaw ang stretcher kung saan nakahiga si Wu, pero nanatili siya sa kanyang posisyon, at dahil sa kanya ay naligtas ang buhay ng pasyente.

Ayon sa mga doktor, ang myocardial infarction at stroke ay dahil sa "triple H disease," na maaribg mauwi sa coronary artery syndrome, na dahilan naman ng mga blood clots. Iwasan dawn g mga pasyente ang mga pagkaing mataba at mataas sa cholesterol.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH