Estado ng edukasyon sa bansa, may pag-asa pa bang umunlad? (Full Episode) | Reporter's Notebook

2025-02-23 3

Aired (February 22, 2025): #ReportersNotebook Election Series - HAMON SA KANDIDATO: MGA ESTUDYANTE NG ISLA PUGAD



Sa Hagonoy East Central School, lubog sa baha ang ilang classroom na dapat sana’y napakikinabangan ng mahigit 200 estudyante. Dahil sa taas ng tubig, napilitan na ang eskwelahan na abandunahin na ang mga ito.



Sa parehong lugar, inabutan ng bagyo sa gitna ng karagatan ang mahigit 30 estudyante na nakasakay ng isang bangka na papauwi na sana mula sa paaralan. Takot na takot ang mga estudyante habang hinahampas ng malalakas na alon. Isa sa mga sakay ng bangka ang Grade 8 student na si Jean Rose. Dahil sa nangyari, hindi na raw nawala sa bata ang pangamba sa tuwing bumibiyahe sila sa dagat papasok ng paaralan.



Ang problemang ito sa edukasyon, paano sosolusyunan ng mga susunod na uupo sa puwesto?


#ReportersNotebook #ReportersNotebookElectionSeries