Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 1,322 na indibidwal na konektado sa P500-million confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) ang walang birth records. Kabilang dito ang pangalang "Mary Grace Piattos," na naunang lumabas sa acknowledgment receipt ng nasabing pondo sa imbestigasyon ng Kamara.
Sa kanyang press conference noong November 20, hindi nagbigay ng komento si Vice Presidente Sara Duterte tungkol kay "Mary Grace Piattos," dahil hindi raw dumaan sa kanya ang mga acknowledgment receipt para sa confidential funds na sinasabing pinirmahan ni "Piattos."\
Noong December 11 naman, sinabi rin ni VP Sara na hindi siya magpapaliwanag sa Kamara kaugnay sa mga umano’y “fabricated” na mga resibo, dahil sa pangambang maapektuhan ang kanilang isinasagawang intelligence operations.
Alamin ang kahalagahan ng mga record ng PSA at ang epekto nito sa usapin ng transparency kasama si Marizza Grande, Assistant National Statistician ng Philippine Statistics Authority sa #TheMangahasInterviews.