Duterte, humingi ng mas mataas na budget para pondohan ang rewards system?
Sa pamamagitan umano ng "rewards system," binayaran ang mga pulis na pumatay ng kriminal noong war on illegal drugs ng administrasyong Duterte. Sa pagdinig ng House of Representatives QuadComm, tinanong ni Rep. Dan Fernandez kung may katotohanan na humingi si dating Pang. Rodrigo Duterte ng mas mataas na pondo na ginamit para sa kontrobersyal na rewards system.
Tugon ni Duterte, kailangan pondohan ang pulis lalo na kapag mayroong seryosong krimen na tinututukan. Panoorin ang buong video.