Aired (November 9, 2024): KALBORO: 20th Anniversary Special of #ReportersNotebook
Anim na taon na ang nakalilipas nang unang makapanayam ng #ReportersNotebook si Delfin Egana. Emosyonal niyang ikinuwento noon na minsan na raw kinawit ng ilang tauhan ng China Coast Guard (CCG) ang kanyang leeg at sapilitang kinuha ang mga gamit niya sa pangingisda. Pilit silang pinapaalis sa karagatang malinaw na pasok sa Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas.
Makalipas ang anim na taon, may nagbago ba sa kanilang mga buhay? Malaya na kaya silang makapangisda sa Scarborough?
Panoorin ang buong ulat sa video.