Nais panagutin ni dismissed Col. Eduardo Acierto sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bato dela Rosa at Senator Bong Go sa kanila umanong “pekeng war on drugs” na pumatay sa maliliit at pumrotekta sa malalaking drug lord.
“Ngayon po hindi lang illegal drugs e. Lumapad pa ang kanilang galamay. Mayroon nang POGO, mayroon nang acquisition ng land. Dapat ho ito pag-aralan mabuti ng National Security Council saka NICA, baka ito po ay may koneksyon sa nangyayari sa West Philippine Sea.”