Aired (August 24, 2024): Noong Marso 2024, sinalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC ang isang Philippine Offshore Gaming Operator o POGO hub sa Bamban, Tarlac. Naging pugad raw kasi ito ng iba’t ibang uri ng scam, human trafficking at iba pang krimen. Kapansin-pansin na nasa likuran lang mismo ng munisipyo ng Bamban ang hub at ang lupang kinatitirikan nito, nasa pangalan ng dating alkalde ng Bamban na si Alice Guo. Ano ang koneksyon nito sa kanya?
#GMAPublicAffairs #GMADocumentaries #ReportersNotebook