Aired (August 19, 2024): Pangongolekta ng basura ang hanapbuhay ni Christopher, ngunit hindi ito ordinaryong basura—kundi hospital waste tulad ng gamit na face mask, gloves, at syringes. Kabilang na rin dito ang pathological waste—mga bahagi ng internal organs at body fluids ng tao. Sa ganitong uri ng trabaho, paano nga ba sila napapanatiling ligtas mula sa mga panganib, lalo na't may pamilya silang inuuwian? Panoorin ang video.