Pagsasauli ng sobrang pondo ng PhilHealth, legal nga ba? | The Mangahas Interviews

2024-08-16 2,235

Nasa P20 billion na raw ang naisauling pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kabuuang P89.9 billion na kanilang sobrang budget. Ito ay alinsunod sa kautusan ng Department of Finance (DOF) sa mga government-owned and controlled corporations (GOCCs), kabilang na ang Philhealth, na ibalik sa national treasury ang kanilang mga sobrang budget para pondohan ang ilang proyekto ng gobyerno.

Maraming mambabatas naman ang umalma sa kautusang ito. Ayon sa ilang senador, ang pagkakaroon ng sobrang pondo ng PhilHealth ay patunay na hindi ginagawa ng ahensya nang tama ang kanilang tungkulin.

Ang depensa ng PhilHealth, alamin mula sa Senior Vice President of Health Finance Policy Sector at Official Spokesperson ng PhilHealth na si Dr. Israel Francis Pargas sa #TheMangahasInterviews.