Mga binahang lugar sa Metro Manila, kumusta ang kalagayan? (Full Episode) | Reporter's Notebook

2024-07-29 15

#ReportersNotebook: “Pagsagip sa Gitna ng Trahedya”

Sa mga nakalipas na araw, hinagupit ng Super Typhoon Carina at habagat ang Metro Manila at mga karatig probinsya. Marami sa mga residente, nagulat at hindi inasahang aabot ng lampas tao ang baha. May ilang na-trap sa bubong ng kanilang mga bahay at may mga commuter din ang pahirapang ma-rescue matapos lumubog ang sinasakyang pampasaherong bus sa Quezon City. Dahil sa taas ng tubig, isa-isa na silang umakyat sa bubong ng bus para makaligtas.



Nangyari ang malawakang pagbahang ito dalawang araw lang matapos ang ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, kung saan ibinida niya ang mahigit 5,500 na natapos na at kasalukuyang pang ginagawang flood control projects sa bansa.

Ano nga ba ang nangyari sa mga proyektong ito at paano masisigurong hindi na mauulit ang malawakang pagbaha sa bansa?