Anong implikasyon ng hacking sa national security at darating na eleksyon? | The Mangahas Interviews

2024-07-09 101

Ayon sa Department of Information and Communications Technology o DICT, problema raw sa buong mundo ang tumataas na bilang ng cybercrimes at hacking incidents.

Sa Pilipinas, mayroon na raw cybercriminal gang na malawakan ang operasyon sa pang-ii-scam gaya ng phishing at identity theft.

Aminado naman ang DICT na mas mababa sa average ang cybersecurity posture sa bansa. Dapat daw mas palakasin at paigtingin ang regulasyon at mga batas na may kinalaman sa cybersecurity.

Ang dahilan ng pagtaas ng mga hacking incident at ang implikasyon nito sa national security at sa darating na eleksyon, sasagutin ni DICT Usec Jeffrey Ian Dy sa #TheMangahasInterviews.