Isang masaya at makulit na interview ni Boy Abunda ang napanood kamakailan kasama ang Sparkle 10 members na sina Ashley Ortega at Shuvee Etrata nang bumisita sila sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’ Ang kanilang off-cam kumustahan, panoorin sa behind-the-talk exclusives video na ito. Manatili namang nakatutok sa ‘Fast Talk with Boy Abunda,’ weekdays 4:45 p.m. sa GMA.