UN Climate Change Conference – Ano ang COP28? | Need to Know

2023-12-02 63

Kasalukuyang isinasagawa sa Dubai, U.A.E. ang Conference of the Parties o COP28. Nagsimula ito noong November 30 at magtatapos sa December 12. Isa itong mahalagang pagpupulong ng iba't ibang bansa para tugunan ang problema ng mundo sa climate change.

Sa unang araw ng COP28, inaprubahan agad ang climate disaster fund na magbibigay ng pondo sa mga vulnerable at mahihirap na bansa para labanan ang masasamang dulot ng climate change. Isa ang Pilipinas sa mga makikinabang sa pondong ito.

Ano ang COP28 at paano ito makatutulong para labanan ang masamang epekto ng climate change sa mundo? Here's what you #NeedtoKnow.