Umano'y kulto sa Surigao del Norte sinabing pulitika ang rason ng 'paninira' laban sa kanila

2023-09-20 1,199

Sa gitna ng mga mala-pelikulang rebelasyon tungkol sa binansagang kulto sa Socorro, Surigao del Norte, iginiit ng grupong Soccoro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) na pulitika ang nasa likod ng mga ito.

Dawit ang grupo sa serye ng mga umano'y sexual abuse, traficking, at forced marriage sa libo-libong mga bata sa lugar. Ito ay matapos ibunyag ni Senador Risa Hontiveros kamakailan ang aniya'y mapang-abusong kulto sa komunidad sa kamay ng isang messiah na tinatawag nilang Senior Agila.

Pero sabi ng SBSI, screen name lamang daw ito ni Agila na isa anilang musikero.

Narito ang report ni senior anchor and correspondent Pinky Webb.

Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/

Follow our social media pages:

• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines