Typhoon #HannaPH, napanatili ang lakas habang kumikilos pa-westward sa bilis na 15 kph.
Base sa 5 p.m. bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 710 km east northeast ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kph at pagbugsong nasa 150 kph. Inaasahang lalabas ito ng PAR sa Linggo ng hapon o gabi.
Samantala, magpapaulan naman sa bansa ang habagat na pinaigting ng bagyong Hanna, bagyong Goring at ng paparating na tropical storm Kirogi.
Ang lagay ng panahon, panoorin sa video.