Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, August 10, 2023:
- PHL Statistics Authority: 4.3% ang GDP growth ng bansa sa ikalawang quarter ng 2023
- Flour Miller Association at canned goods manufacturers, ipinaliwanag ang inihihirit na taas-presyo
- Ilang karinderya, hindi pa nagtataas ng presyo ng kanin kahit nagmahal ang bigas/ Taas-presyo sa bigas nitong Agosto sa Blumentritt Market; P3/kilo sa local, P4/kilo sa imported/ Federation of Free Farmers Cooperative: Presyo ng bigas, posibleng umabot sa P60/kilo o higit pa dahil sa problema sa supply sa Setyembre/ PBBM: May sapat na supply ng bigas hanggang sa susunod na taon
- Ilang flights pa-Incheon, South Korea, kinansela dahil sa masamang panahon
- BTS member na si V, nagpakilig sa music video ng solo debut song na "Love Me Again"
- American band na Mr. Big, dinagsa sa kanilang live concert sa Manila
- Lalaking nagnakaw umano ng motorsiklo sa magkahiwalay na insidente, arestado/ Suspek, aminado sa pagnanakaw ng motorsiklo
- Bagyong nasa Pacific Ocean, lumakas pa bilang Severe Tropical storm
- Sablayan, Occidental Mindoro, sinalanta ng flashflood; ilang pamilya, inilikas
- 36 na bahay sa Zamboanga City, nasira ng buhawi
- Ilang grupo, kinondena ang reclamation projects sa Manila Bay/ Philippine Reclamation Authority: Patuloy ang reclamation projects habang wala pang tinutukoy ang Pangulo kung alin ang ipatitigil/ PAMALAKAYA: Kahit itigil ang reklamasyon, nasira na ang tahanan ng mga isda
- EDSA Bus Carousel at bike lanes, gustong buwagin ng Mega Manila Consortium/ MMDA at grupo ng siklista, tutol sa proposal ng Mega Manila Consortium
- Asia's First Grandmaster Eugene Torre, kampeon sa 2023 Guam Int'l Open Chess Tournament
- Lalaking nagtangkang magnakaw ng isang sakong bigas sa umaandar na truck, nahulog
- Barangay kagawad na nahulihan ng P68,000 halaga ng umano'y shabu, arestado
- 'Mystery applicants' ng LTO, layong tukuyin ang mga nanghihingi ng pera kapalit ng hindi pagpila
- Pinoy medalists sa 2023 SEA Games at ASEAN Para Games, binigyan ng cash incentive
- Panayam kay PAFMIL Executive Director Ric Pinca - Mahal na raw materials ang ugat ng mga hiling na taas-presyo ng mga produkto, ayon sa flour millers
- PBBM: Wala akong nalalamang kasunduan na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal
- Burger patty na gawa sa talong, puwede sa mga chikiting na ayaw kumain ng gulay
- 49-year old single mom, nakatapos ng Junior High School sa pamamagitan ng ALS ng DepEd
- Mark Bautista, natutunan na 'wag basta-basta mag-click ng messages matapos ma-hack ang kanyang IG
- Barbie Doll glam look ni Herlene Budol, pinusuan
- DOH: Umakyat na sa 12 ang kaso ng Covid variant EG.5
- Taylor Swift, top nominee sa 2023 MTV VMAs; Ilang female artists, may multiple nominations din
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy