Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam kumpara sa minimum operating level nito na 180 m. Sa Angat Dam nagmumula ang 90% ng suplay ng tubig sa buong Metro Manila.
Kasabay nito ang pagbaba ng alokasyon ng tubig sa ilang consumers dahilan para makaranas ng water interruption ang ilang bahagi ng Metro Manila. Nanawagan na rin ang gobyerno para sa pakikiisa ng lahat para makatipid ng tubig.
Bakit nga ba bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam at an-ano ang epekto nito sa pang-araw-araw nating kabuhayan? Alamin sa video na ito.