Balitanghali Express: July 11, 2023

2023-07-11 653

Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, July 11, 2023

- State of Calamity, idineklara sa Bataan dahil sa mga kaso ng African Swine Fever/FDA, bumuo ng task force para suriin ang kaligtasan ng mga bakuna kontra-African Swine Fever

- P38/kilo na bigas na inilunsad ng Phil Rice Industry Stakeholders Movement, mabibili sa piling tindahan/Ph Rice Industry Stakeholders Movement, nakikipag-ugnayan na sa D.A. para maibenta ang mura nilang bigas sa Kadiwa Stores

- Mga taniman sa ilang lalawigan sa Northern at Central Luzon, natutuyo na dahil sa matinding init

- Dating DPWH Sec. Rogelio Singson, itinalaga sa pagbuo ng mga plano ng gobyerno para sa El Niño/Mga plano para tugunan ang El Niño, ilalabas ngayong linggo ng Water Resources Management Office

- AFP Western Command, nanindigang hindi papayagan ang pagsakop ng China sa anumang bahura malapit sa Recto Bank/Security analyst: Posibleng nagbibigay ng mensahe ang China bago ang anibersaryo ng arbitral ruling/Dating SC Justice Carpio: Posibleng langis at gas ang pakay ng China sa Recto Bank/Dating SC Justice Carpio: Hindi parehas ang pagpapatrol ng China at pagdaan ng Amerika sa West Phl Sea dahil wala itong claim doon

- Oil Price Movement - July 11, 2023

- Tagisan ng world talent, tampok sa "Battle of the Judges" na magsisimula sa July 15 sa GMA/Diskarte ng apat na celebrity hurado, matutunghayan sa "Battle of the Judges"/"Battle of the Judges," mapapanood na sa July 15, 7:15 pm sa GMA

- Larry Gadon, nanumpa na bilang Pres'l Adviser for Poverty Alleviation

- Mga katutubong Dumagat-Remontado, nagsagawa ng rain dance at nag-alay ng dasal para sa pagbuhos ng ulan

- Weather update today - July 11, 2023

- Panayam kay PAGASA Hydrologist Rosalie Pagulayan - Pagbaba ng tubig sa Angat Reservoir, mahigpit na binabantayan ng PAGASA

- PNP: Mga kaso ng cybercrime mula Enero, tumaas ng 152% kumpara noong 2022/PNP: Posibleng dumami ang cybercrime cases dahil dumami rin ang mga nagsusumbong

- NCAA Season 99, pinaghahandaan na; magbubukas sa Setyembre at mapapanood sa Kapuso Network

- AiAi delas Alas, nagtratrabaho bilang activity director ng isang elderly facility/Ai Ai delas Alas, mapapanood sa pelikulang "Litrato" na showing na sa July 26

- AFP, pinaigting ang pagpapatrolya sa mga lugar sa WPS kung saan nakitang nagkukumpulan ang Chinese vessels/Phl at US military, patuloy ang pagsasanay para mapalakas ang depensa ng bansa

- World premiere ng live-action film na "Barbie," star-studded/EXO member D.O., may Instagram account na

- Internet voting, planong ipatupad ng COMELEC para sa Overseas voters sa Eleksyon 2025/COMELEC: Nasa 4M Overseas voters ang inaasahang magparehistro sa Eleksyon 2025 kung may internet voting

- Mas maluwag na COVID-19 protocols, ipatutupad sa ikalawang SONA ni PBBM

- P13.8M na halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa isang barkong hinarang sa laot

- DOJ, ipinauubaya muna sa NBI ang imbestigasyon tungkol sa viral sexy dance number