Fight Analysis: DEHADO si Tapales! AKHMADALIEV, may LAMAT sa BODEGA! Gugulatin ni TAPALES ang MUNDO

2023-03-31 6

May LAMAT sa BODEGA si Murodjon 'MJ' Akhmadaliev! Maralon Tapales, may CHANCE na maging 2 Division World Champion!

Sa darating na April 8, isang matikas na pinoy ang susubok na mag-akyat ng karagdagang boxing world title sa Pilipinas.
Ngunit, malaking pader ang kanyang babangain na kargado ng armas pang opensa at pang depensa.
Sa kabila ng pagiging dehado, walang sino man ang pwedeng makasira sa determinasyon ng ating kababayan para ipanalo ang laban.
Sa bidyong ito mga idol, pag-uusapan natin ang salpukan nina former WBO World Bantamweight champion Marlon ‘Maranding Nightmare’ Tapales at current IBF and WBA Super bantamweight champ Murodjon ‘MJ’ Akhmadaliev

Magandang araw mga boxing fans at maligayang pagbabalik sa sports manda.

Sa kasalukuyan, si Murodjon Akhmadaliev ay may ibinabanderang undefeated record na 11 wins with 8 victories coming by way of knockout o may 72.73 percent KO percentage.
Samantalang ang beterano nating kababayang si Marlon Tapales ay may ring record na 36 wins, 3 losses and with 19 wins coming by way of knockout o merong 48.72 KO percentage.
Nauna ng 10 taon si Tapales ng pasukin ang professional boxing noong 2008 samantalang taong 2018 naman ng umakyat sa pro si Akhmadaliev.
Pero, hindi matatawaran ang amateur backround ni MJ Akhmadaliev dahil kasama sa kanyang naging achievement ang maging 2016 Olympic bronze medalist.

PAGDATING SA TOTAL NUMBER OF ROUNDS,
Si Marlon Tapales ay kumubra na ng total of 246 rounds kumpara sa 69 rounds pa lang ni Akhmadaliev.


Kung tale of the tape naman ang pag-uusapan, mas matangkad ng bahagya si Akhmadaliev na may taas na 5’5”and a half kumpara sa 5 foot 4 inches height ni Tapales.
Mas mahaba din ng 3 pulgada ang reach ni Akhmadaliev na pumalo 68 inches ayon sa boxrec.com kumpara sa 65 inches reach ni Tapales.

Bukod pa dito, hindi naman kalayuan ang agwat, mahigit 11 buwan ng nabakante ang ating kababayan kumpara sa mahigit 9 na buwan na ding nakapagpahinga si Akhmadaliev

Base sa mga numerong ito mga idol, hindi nakakapagtakang pumabor ang mga sports-bookies sa Uzbek fighter.
Katunayan, 75.61 percent chance of winning ang ibinigay ng mga boxing insiders kay Akhmadaliev at ang latak na 24.39% ang sinimot nila para sa ating kababayan.
Kung iko-convert natin ito sa pustahan 340 mo tamang isang daan para kay Akhmadaliev.
100 tamang 300 naman kung maglalapag tayo kay Tapales.

Dehado man tayo sal abanan at pustahan, tiwala naman ako na buhay na underdog ang ating kababayan.

Narito ang huling dalawang laban nina tapales at akhmadaliev at I comment ang inyong prediksiyon

#tapales #akhmadaliev #tapalesvsakhmadaliev