Tiwala ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na masusunod ang rule of law sa kaso sa droga ng anak ni Justice Secretary Boying Remulla na si Juanito Jose.
Naaresto si Juanito Jose matapos ang isang controlled delivery operation ng mga tauhan ng PDEA sa tahanan nito sa BF Homes, Las Piñas City noong Martes, October 11. May lamang halos isang kilong marijuana na nagkakahalaga ng higit ₱1 milyong ang parcel na nakapangalan sa batang Remulla na nagmula pa sa Estados Unidos.
Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/
Follow our social media pages:
• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines