Pandesal, abot-kaya pa ba? | Stand for Truth

2022-09-16 1

Paborito mo ba ang pandesal? Kung oo, siguradong napapansin mo ang pabago-bago nitong sukat at laki. Ang tinapay kasing ito, apektado na rin ng tumataas na presyo ng mga bilihin.

Ang mga sangkap sa paggawa ng pandesal gaya ng harina, mabibili ang 25 kilos na sako noon sa halagang Php 950. Pero ngayon, nasa Php 1,120 na. Ang 30 kilos na sako naman ng asukal na maaaring mabili noon sa halagang Php 3,800, nasa Php 4,700 na. Nagmahal din ang mga sangkap gaya ng asin, margarine at yeast.

Kaya hindi kataka-taka kung pati ang paboritong tinapay, kailangang mag-adjust. Sa kabila nito, ang pandesal, abot-kaya pa ba? Panoorin ang video.