Isa ka bang freelancer o ‘yung tipong suma-sideline sa mga proyektong hindi permanente? Kung oo, bahagi ka ng tinatawag na gig economy!
Epekto umano ito ng global financial crisis o great recession noong 2009. Marami ang nawalan ng trabaho at kumapit sa freelance work para maka-survive.
Sa Pilipinas, tinatayang nasa 1.3 hanggang 1.5 milyong Pinoy gig workers ang freelancers online, ayon sa Creative Economy Council of the Philippines (CECP).
Pero patunay nga ba ang dumaraming freelancers o gig workers na maraming trabaho ang puwedeng pasukin ng mga Pinoy?
Panoorin ang buong detalye sa report na ito.