Aired (August 20, 2022): Laking gulat ni Lorna (Tessie Tomas) nang paalisin sila sa kanilang pwesto sa palengke dahil lang sa bintang na nagnakaw ng cellphone ang kanyang anak. Dahil dito, nasira ang kanilang kabuhayan sa pagtitinda ng karneng baboy at lalo silang naghirap. May magagawa pa kaya sila upang mabawi ang pwesto at muling buhayin ang negosyo? Panoorin ang video.