Mula noon hanggang ngayon, GMA na ang nangunguna sa pagbabantay ng eleksyon. Ngayong Eleksyon 2022, asahan na mas mabilis pa ang magiging pag-uulat sa resulta ng botohan.
Gamit ang state of the art technology, tututukan at bibigyan ng konteksto ang mga balita sa mga live reports at newscast.
Diretsong ihahatid ng GMA ang pinakamainit na election updates sa mahigit sa 173 milyon na followers at subscribers ng GMA News and Public Affairs social media pages.
Buong puwersa, buong puso, at buong tapang na ihahatid ang most-trusted election coverage sa bansa -- ito ang 'Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage,' ngayong May 9, 2022, simula 4:00 ng umaga.