Philippine-China joint exploration sa West Philippine Sea, dapat bang ituloy? | Need To Know

2022-03-29 21,105

Kahit kinilala na ng international court ang sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea, mainit pa rin ang iringan ng Pilipinas at China pagdating sa usaping ito.

Taong 2018 nang magkaroon ng memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at China para sa joint development on oil and gas sa South China Sea pero walang terms of reference sa MOU na siyang tutukoy sa magiging structure ng joint exploration.

Ngayong #Eleksyon2022, ano ang paninindigan ng mga presidential candidates sa isyu ng West Philippine Sea at kung dapat bang ituloy ang Philippine-China joint exploration sa nasabing teritoryo.

Ano ba ang kailangan i-explore sa South China Sea? Here's what you #NeedToKnow.