Dinipensahan ni UP Diliman Statistics Associate Prof. Francisco De Los Reyes ang inilabas na pahayag ng UP School of Statistics laban sa mga "kalye survey." Sa panayam ng #SaTotooLang ng One PH, idiniin ng propesor na hindi nila layong mag-witch-hunt kundi ay armasan ang mga mamamayan ng impormasyon para madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagtanggap sa mga survey.
Inisa-isa rin ni De Los Reyes ang mga katangian ng isang credible survey. #BilangPilipino2022