Ano ang sitwasyon ng mga OFW sa Hong Kong ngayong patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon? | Stand for Truth

2022-02-21 4

Nasa gitna ng COVID-19 surge ang Hong Kong matapos makapagtala rito ng mahigit 15,000 bagong kaso sa nakalipas na tatlong linggo. Dahil dito, punuan na ang mga ospital at nasa labas na ang ilang pasyente. Kabilang dito ang ilang OFW na napipilitang matulog sa parke.

Habang ang ibang kababayan naman natin, tinanggal sa trabaho matapos magpositibo sa COVID-19.

Ang kanilang sitwasyon at mga hakbang na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas para tulungan ang mga OFW sa Hong Kong, alamin sa report.