Matapos pahirapan at ikulong ng mahigit 1,000 araw, pinalaya na ang Canadian nationals na sina Michael Spavor at Michael Kovrig sa itinuturing na akto ng “hostage diplomacy” ng China.
December 2018 kinasuhan ng fraud ang Huawei CFO na si Meng Wanzhou. Na-partial house arrest ito sa kanyang mansyon sa Canada. Bigla namang inaresto at kinulong sa China sina Spavor at Kovrig sa paglabag umano sa “state secrets law.” Pero giit ng Beijing, wala raw itong kinalaman sa kaso ni Meng.
Nitong Sabado, nakauwi na ng China si Meng matapos iurong ang kasong kriminal laban sa kanya. Ilang oras kasunod nito, pinalaya naman sina Spavor at Kovrig. Alamin sa video ang iba pang detalye.
BASAHIN: https://bit.ly/3EV3AEc