Pinayagan na ng International Criminal Court o ICC na simulan ang imbestigasyon sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.
Batay sa 41 na pahinang desisyon ng ICC, binigyan na ng go signal ng Pre-Trial Chamber I ang hiling ni ICC Chief Prosecutor Fatou Bensouda na imbestigahan ang diumano’y libo-libong kaso ng extra judicial killings sa laban kontra droga sa Pilipinas.
Ano naman kaya ang tugon ng Malacañang sa pagsisimula ng imbestigasyon ng ICC sa laban kontra droga ng administrasyong Duterte? Panoorin ang video.