Iimbestigahan na ng International Criminal Court (ICC) ang mga patayan sa madugong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte, at bukod dito ay isinama pa ng mga huwes ng pre-trial chamber ang mga patayan sa Davao City na gawa ng sinasabing Davao Death Squad (DDS).
Pag-uusapan nina justice reporter Lian Buan at Malacañang reporter Pia Ranada ang isyung ito, at kung ano ang mga aasahan sa darating na araw.