Bukas na ang ika-20 anibersaryo ng 9-11 attacks sa Amerika kung saan pinuntirya at pinabagsak ang Twin Towers sa New York City — ang World Trade Center. Ito ang nag-udyok sa dating pangulo na si George W. Bush na magdeklara ng War On Terror taong 2001.
Unang nilusob ng US ang Afghanistan matapos tumanggi ang Taliban na isuplong ang mga miyembro ng Al-Qaeda na pinaniniwalaang nasa likod ng 9-11. Ngayong 20-21, nakabalik na ang Taliban sa kapangyarihan.
Sa report na ito ni Richard Heydarian, kasabay ng pag-alala ng mundo sa malagim na trahedya, nakamit nga ba ng Amerika ang minimithing tagumpay matapos ang malagim na pag-atake? Panoorin ang video.