Saab Magalona, Jim Bacarro binalikan ang kanta at alaalang "nagligtas" sa kanila

2021-05-30 69,422

Sa kanilang Summit Sandwich Session interview kamakailan, mas nakilala pa ng editors at writers ng Summit Media ang mag-asawang Saab Magalona at Jim Bacarro sa ginawa sa kanilang "Song Challenge."

Sa challenge na ito, hiningian sina Saab at Jim ng mga kantang angkop sa mga situwasyon at taong babanggitin sa kanila.

Isang nakaka-touch na bahagi ng challenge ay nang tanungin kung ano ang kanta nila para sa isa't isa.

Agad na naalala ni Jim ang panahong dumaan sila sa pagsubok nung nasa ICU (intensive care unit) ng isang ospital sina Saab at ang anak nilang si Pancho.

Ipinanganak ng may komplikasyon sa kalusugan si Pancho at ang kakambal nitong si Luna.

Hindi kinaya ni Luna ang komplikasyon at pumanaw ito. Habang si Pancho naman ay kinailangang dumaan sa isang operasyon sa utak para mailigtas ito.

Pagbabalik-tanaw ni Jim nung mga panahong iyon, "I was like going back and forth and we really needed a win to survive that day because both situations were so messed up.

"I held her hand while she was on the hospital bed and then we talked about Paris."

Binalikan daw nila ang sandaling iyon na nasa Paris, France sila, sa isang cafe, habang umiinom ng wine.

Dala ang kanyang iPad, sinimulan ni Jim na tumugtog ng popular na awiting kunektado sa lugar na iyon.

Ang alaala nilang ito at ang awiting iyon ang animo nagligtas sa kanila sa pagkalugmok dahil sa pagsubok na dinadaanan nila nung panahong iyon.

Panoorin ang video ng "Song Challenge" nina Saab at Jim at alamin ang awitin na "nagligtas" sa kanila sa madilim na sandali ng kanilang buhay-mag-asawa.

#SaabMagalona #JimBacarro #SummitOriginals

Producer: Jean Saturnino & Mart Francisco
Video Editor: Mart Francisco
Music: "Daisy Ukelele (A)" by Vasco and Marc Teitler

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph