Reporter's Notebook: Mga guro, patuloy na hinaharap ang mga pagsubok ng 'new normal' sa edukasyon

2021-05-28 5

Aired (May 27, 2021): Isa lamang si Michelle Ursabia sa mga guro mula sa San Francisco, Quezon na umaakyat pa ng bundok at nahihirapang humanap ng signal para makapagturo sa mga estudyante nila. Para makasagap ng internet, ipinapasok nila sa isang lalagyan ang pocket wifi, isinasabit sa lubid, at iniaangat ito sa tuktok ng isang puno. Ang grupo naman ni Teacher Omi Balawag, ilog at maputik na daan ang kailangang tawirin para matulungan ang mga mag-aaral sa modules nila. Ang sitwasyon ng mga guro isang taon matapos simulan ang alternative learning dahil sa pandemya, silipin.