Reporter's Notebook: Lagay ng manggagawang commuter sa new normal, kumusta nga ba?

2021-02-19 12

Aired (February 18, 2021): Isa si Eduardo Sinlao sa maraming manggagawang Pinoy na nakikipagsapalaran sa kalsada para magtrabaho at kumita ng pera sa gitna ng pandemya. Araw-araw, inaabot ng tatlong oras ang kanyang biyahe papuntang Quezon City, kung saan nagtatrabaho siya sa isang condominium bilang housekeeper. Sa kabila ng peligrong dulot ng COVID-19, patuloy siyang kumakayod para buhayin ang kanyang pamilya.