Isang mabilisang PEP Exclusives interview ang ginawa ng SB19 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) deputy news editor na si Rachelle Siazon.
Sa interview na ito, kasama siyempre ang katuwaang Only In PEP portion kunsaan hiningan ni Rachelle ng sagot ang grupo sa kanyang "Pinaka... fill-in-the-blanks" questions.
Isa sa mga naitanong sa SB19 boys ay ang "Pinaka-challenging trila sa buhay na nalampasan ko ay..."
Habang seryoso ang mga sagot ni Josh na ikinuwento kung paanong naitaguyod ang sarili mula sa edad na 15, pabiro naman ang sagot ni Ken na nagsabing challenge daw sa kanya ang gumising nang maaga.
Naikuwento naman ni Justin na challenge daw sa kanila ni Ken ang nangyaring pag-grocery nila at pagbili ng manok.
Nang si Sejun naman ang hingian ng sagot, dalawa ang naikuwento niyang challenging trial na nalampasan niya.
Una ay nang pinagsabay niya ang trabaho niya noon habang nagte-training para maging miyembro ng SB19, at pangalawa ay nung isang umagang hindi siya nakapagbawas habang nasa bus ang grupo nila.
Ikinuwento ni Sejun ang struggle at challenge na pinagdaanan niya dahil doon.
Sa ganitong tema ng usapan, nagkuwento rin si Justin ng halos kaparehong situwasyon na pinagdaanan niya.
Naikuwento pareho nina Sejun at Justin ang kanilang nakakatawang "challenging trials," bago naman si Stell ang nag-share ng seryosong pinagdaanan niya na sabi nga ni Ken ay apat na buwan ding dinala nito.
Panoorin ang kakulitan ng SB19 boys sa maikling portion ng kanilang mas mahaba at mas masayang PEP Exclusives interview na mapapanood sa link na ito: https://bit.ly/SB19onPEPexclusives
#SB19 #PEPexclusives
Host: Rachelle Siazon
Producer: Rommel Llanes
Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Watch us on Kumu: pep.ph