Lalaki mag-isang nagtanim ng 10,000 mangroves matapos na ma-Yolanda

2020-12-01 10,529

Matapos maranasan ang pananalanta ng Bagyong Yolanda noong 2013, naisipan ni Tatay Gary Dabasol na magtanim ng mga mangrove o bakawan sa beach na malapit sa tinitirhang baranggay sa Matalom, Leyte.

Marami kasing pakinabang ang nakatanim na mangroves sa beach o pampang.

Bukod sa pinagpupugaran at pinaninirahan ng mga isda, shellfish, mga pagong, at mga ibon, pinatitibay rin ng mga ugat nito ang pampang.

Sumasala rin ito sa mga water pollutants.

At higit sa lahat, nagsisilbi rin itong proteksyon sa mga naninirahan malapit sa beach laban sa malalakas na alon na dulot ng bagyo at iba pang kalamidad.

Napansin ng taga-Hilongos, Leyte, na si Dan Niez ang mga itinanim na mangroves ni Tatay Gary dahil napakarami nito.

Sa bilang nga nila, nasa mahigit 10,000 na ang mangrove na nakatanim sa pampang.

Panoorin ang video kung paano nagawa ni Tatay Gary ang makapagtanim ng ganoon karaming bakawan at ma-inspire sa pangangalaga niyang ito para sa kalikasan at sa kaligtasan ng mga residente ng Matalom, Leyte.

#mangrovesinleyte #mangroves #summitoriginals #pepspecials

Video Producer / Editor: John Henri Mariano
Music: "The Cadence of Time"

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Free Traffic Exchange