Reporter's Notebook: Tirang pagkain sa basurahan, laman-tiyan ng ilang Pilipino sa gitna ng pandemya

2020-10-16 15

Aired (October 15, 2020): Trabaho ni Sheila Cesista ang paghihiwalay ng mga pwede pang i-recycle na basura gaya ng plastic, bote, at karton sa mga basurang itatapon sa landfill. Pero bukod sa kalakal, tira-tirang pagkain ang kanyang pakay sa basura para makain ng kanyang pamilya. Ang ibang basurang pinagpipilian niya, galing daw sa ospital na kung saan kabilang sa mga ito ay ang pinaggamitang face mask. Sa kabila ng panganib na dala ng pandemya, ano nga ba ang peligrong hinaharap ng mga katulad ni Sheila na umaasa lamang sa basura para masolusyunan ang kumakalam na sikmura?