OFW SA SAUDI, NAKAPAG-VIDEO PA AT HUMINGI NG SAKLOLO ISANG ARAW BAGO MAMATAY!
"Diyos ko, lahat ho sana ng makakatulong, tulungan n'yo naman po ako. Nagmamakaawa po ako sa inyo".
'Yan ang panawagan ng OFW na si Marcelo Tanyag sa Riyadh, Saudi Arabia matapos niyang sapitin ang hirap simula nang pumutok ang COVID-19 pandemic. Ang OFW na may iniindang sakit, ikinulong at hindi pa ipinagamot matapos magpakita ng ilang sintomas ng COVID-19. Hirap na raw kasi siyang huminga at inuubo kaya naman ang kanyang pangamba, baka raw dinapuan na siya ng virus. Pero sa halip na dalhin sa ospital, ikinulong siya ng kanyang employer sa isang kuwarto. Ano nga ba ang kuwento sa likod ng huling video ni Marcelo? Ano rin ang hustisyang naghihintay sa mga OFW na humihingi ng saklolo? Ang buong kuwento, panoorin! #RTx