OFW, TUMULONG SA DAAN-DAANG NAGUGUTOM NA PILIPINO SA DUBAI KAHIT HIKAHOS DIN SA BUHAY
"Ma’am, hindi ko akalain na pupunta ako ng ibang bansa para manlimos ng pagkain".
Ganyan na lang ang nasambit ng isa nating kababayan abroad matapos makatanggap ng tulong na pagkain mula sa isang kababayan. Dala ng hirap sa buhay simula nang pumutok ang COVID-19, libu-libong OFWs ang apektado at ang ngayon ay walang trabaho. Ang marami sa kanila, gutom ang inabot at kawalan ng pag-asa.
Pero sa gitna ng krisis, hindi mawawala ang espiritu ng pagtutulungan at kabayanihan. Tulad na lang ng Pinay OFW na si Feby na siya'ng namuno sa isang proyekto para pakainin ang mga kababayan natin abroad na nagugutom at walang-wala nang mapagkukunan ng kabuhayan. Kahit kapos din sa pera at pinagkakasya ang oras sa pag-aalaga sa kanyang mga anak, hindi raw kayang tiisin ni Feby ang mga nagugutom nating kababayan sa ibang bansa.
Ang kuwento ng kabayanihan abroad sa gitna ng COVID-19 crisis, panoorin sa video! #RTx