MANILA - ABS-CBN President and chief executive officer Charo Santos-Concio honored Filipino heroism at the network's annual flag raising ceremony, "Mga Kwento ng Kabayanihan," which aired on Independence Day. Concio said ABS-CBN will continue its tradition of highlighting the good values of Filipinos. She adds that the Kapamilya network will always be the stage where the kindness of Filipinos is showcased. "Sa lahat ng taong nagdaan ang 2013 na siguro ang pinaka-puno ng pagsubok. Sana tuwing lilingunin natin ito ang maaalala natin ay hindi ang mga malulungkot na karanasan kung hindi ang mga nakakataba ng puso na mga kwento ng kabaitan, katapangan at kabayanihan. Kami dito sa ABS-CBN ay instrumento lang ng inyong kabutihan. Tungkulin namin ang ibida sa TV, radyo, sine, magazine at internet ang mabubuting katangian at mga values ninyong mga tunay na bayani. Patuloy naming bibigyan ng affirmation ang mga taong gumagawa ng mabuti. Hindi kami magsasawa o mapapagod magtawag ng volunteers at mangalap mg tulong. Ito ang aming kontribusyon sa pagpapayaman ng tradisyon ng kabayanihan sa ating bansa. Itataguyod namin ang katotohanan na hindi kailangan ang madidilim na araw para magninging ang kabutihan ng ating mga kababayan. Bawat araw, anumang lugar sa mundo ito ay isang tanghalan para sakabutihan ng Filipino. Maraming salamat po mga Kapamilya, ang aming mga Bayani," Santos said.