MANILA -- President Benigno Aquino III has arrived in Manila from his two-day state visit in Malaysia. In his arrival speech, Aquino touted the gains during his short visit with the signing of several agreements with Kuala Lumpur. He said Malaysia wants to help attain peace in Mindanao, improve its trade, and create a banking and financial system in the region. "Nagbunga ito ng mga kasunduang paigtingin ang kalakal sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas. Totoo nga po na para sa dalawang bansang talagang magkatabi, napakaliit ng tinatayang $3.5 hanggang $4.5 na palitan ng kalakal.," he said. "Ipinarating din po ni Prime Minister Najib [Abdul Razak] na handang sumuporta ang kanyang bansa sa larangan ng Islamic banking and financing, na tiyak na makakaambag sa pagpapalago ng ekonomiya sa Muslim Mindanao. Sa amin din pong pagpupulong ng prime minister dalawang dokumento ang pinirmahan: isang memorandum of understanding ukol sa edukasyon at isang memorandum of agreement ukol sa culture, arts at heritage," he added. The President also shared the warm welcome given by the Filipino community in Malaysia, and how one group managed to collect enough money to fund the renovation of the Philippine Embassy. "Bilib din po ako sa ating mga OFWs sa Malaysia. Isipin po ninyo sa lawak ng Malaysia napakarami po nilang mga asosasyon na mga kapwa Pilipino. Pero sila na mismo ang nagkusang bumuo ng isang mother association na sasaklaw sa lahat. Sila na ang nagkusang magkaisa upang mapadali at gawing mas epektibo ang pangangalaga sa kanilang kapakanan." "Ang lalo pa pong nakakabilib ay isang grupo ng mga Pilipino sa Malaysia ang nag-ambagan para sa renovation ng ating embahada sa Kuala Kumpur. P11 million po ang nalikom nila at ipinagkaloob tungo sa proyektong pagpapagawa ng ating pong mga gusali doon nang hindi kinailangan gumastos ni isang kusing ng atin pong gobyerno," Aquino said.