I-Witness: 'Bilanggo ng Isipan,' dokumentaryo ni Kara David (full episode)

2018-08-06 228

Siyam na taon nang nakagapos si "Rolito," hindi niya tunay na pangalan, habang 47 taon namang nakakadena si "Alyn." Pareho silang iginapos ng kanilang pamilya dahil sa kanilang sakit sa pag-iisip. May pag-asa pa kaya silang makawala mula sa kanilang sitwasyon ngayon? Tunghayan ang kanilang kuwento sa dokumentaryong 'Bilanggo ng Isipan.'