Itinuturing na isa sa mga pinakamagandang isla sa Pilipinas ang Palawan. Kasabay ng pagdagsa ng mga turista rito, may umuusbong namang mga problema kagaya ng kawalan ng sewage treatment, overdevelopment at di maayos na pagtapon ng basura. May pag-asa pa kayang maisalba ang mga isla ng Palawan?