Hindi alintana ni Lola Gatumay ang kanyang edad dahil kahit na nasa dapithapon na siya ng kanyang buhay, nagbabatak pa rin siya ng buto sa paglatak ng ginto mula sa mininang naba ng apong si Duran. Paano kaya nila natutustusan ang kanilang pangangailangan kasabay ang pagpapagamot sa anak na may sakit?