Kung babalikan, July 1, 2016 nang ilunsad ng Philippine National Police o PNP ang Oplan Tokhang o ang pagpunta sa mga bahay ng mga suspected drug user at pusher upang pakiusapan silang sumuko sa mga otoridad. Pero mula noon, dalawang beses na ring sinuspinde ang programa. Ano kaya ang mga pagbabago na dapat asahan sa muling pagbabalik ng operasyon na ito?