Kilala ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga adbokasiya nitong ipaglaban ang karapatang pantao sa panahon ng kagipitan. Ngunit kamakailan lamang, isa ito sa mga ahensiyang apektado ng giyera kontra droga dahil maraming kaso ng extra-judicial killings ang iniimbestigahan din ng komisyon dahil diumano, may mga inosente ring nadadamay sa mga kaso ng pagpatay. Ano nga ba ang mandato ng CHR at paano ang kanilang paraan ng pag-iimbestiga?