Daan-daang libo ang mga sundalo at sibilyang nagsakripisyo ng kanilang buhay noong ikalawang digmaang pandaigdig. Mahalaga sa kasaysayan ang nangyaring pambobomba dahil ito ang naging simula ng Nuclear Age. Hanggang ngayon ay damang-dama pa rin ang epekto nito sa Hiroshima at Nagasaki pero dahil na rin sa mga kaganapang ito, nagwakas ang World War II. Sa dokumentaryong ito, sinilip ni Jay Taruc ang naging bakas at mga puwersang naging dahilan ng pagwawakas ng ikalawang digmaang pandaigdig.