Makasaysayang Pagpapatrol ng Bagyong Pablo

2015-05-29 3

Noong katapusan ng taong 2012, sinalanta ng Bagyong Pablo ang silangang Mindanao. Pinakamatinding naapektuhan ang mga probinsya ng Davao Oriental at Compostela Valley. Libo-libo roon ang nasawi sa baha at pagguho ng lupa.

Mula sa kanilang mga satellite live point sa Cateel, Davao Oriental at New Bataan, Compostela Valley, buwan ang inabot ng pagpapatrol doon ng mga ABS-CBN News Team.

Hanggang Pasko at Bagong Taon, nakipamuhay sila at nagbantay sa mga bayang pilit na nagtayo ng panibagong buhay matapos ang trahedya.