WARNING Graphic Content: Epekto ng Syria nerve gas attack

2015-05-12 88

WARNING Graphic Content: Epekto ng Syria nerve gas attack

Itong nakaraang Sabado ay inilabas ng Intelligence Committee ng Senado ng Estados Unidos ang ilang video na kung saan at makikita ang paggamit ng sandatang kemikal sa Syria.

Makikita sa video ang kakakot-takot na larawan ng mga sibilyan sa Syria -- maging lalaki, babae, o bata - na kinukumbolsiyon at hirap huminga. Sila ay biktima ng pagkalason mula sa nerve gas na ginamit sa kanila.

Ang mga larawan na ito ay ipinakita ng Secretary of State ng Estados Unidos na si John Kerry, bilang patunay na ang puwersa ni Assad...ay gumamit ng kemikal na sarin sa pag-atake sa Damascus noong umaga ng ika-dalawampu't isang araw ng Agosto.

Ang kemikal na ahente gaya ng sarin ay karaniwang naihahatid sa pamamagitan ng dalawang shell container, na naglalaman ng dalawang magkaibang kemikal.

Sa pagpapaputok ay bumibigay ang disk na naghihiwalay sa dalawang klaseng kemikal.

Ang pag-ikot ng shell ang nagsisilbing taga-halo ng dalawang kemikal, at dito nanggagaling ang lason na ititnatawag na sarin. Ang sarin ay agad na kumalakay matapos itong tumama sa kung saan man ito itunutok.

Ang sarin ay maaring masanghap, malunok, o masipsip sa pamamagitan ng balat. Sa sandaling nakapasok na sa katawan ang sarin, ay agad nitong aatakihin ang gitnang sistemang nerbiyos...nagdadala ng isang napakahirap at napakasakit na kamatayan sa lahat ng mabigyan ng malaking dosis.

Nagpadala ng isang grupo ng imbestigador ang U.N. sa Damascus, para makita at makakuha ng sampol mula sa biktima ng atake.

Itong nakaraang Sabado, pinayuhan ng European Union ang Estados Unidos na huwag munang gumawa ng aksyon na military hangga't hindi pa naibibigay ang paunang ulat.

Ayon sa Intelligence reports na galing sa Amerika, umabot na ng isang libo, apat na daan, dalawampu't siyam katao ang namatay o nasaktan sa atake. Naniniwala sila na sa loob noon, ay may higit na apat na daan na biktima, ay mga bata.


For news that's fun and never boring, vis